MANILA, Philippines — Nanindigan ang Malacañang na hindi naging mapagpasya sa resulta ng 2016 presidential elections ang impluwensya ng social media.
Nangyari ito sa kabila ng pagtatanggal ng Facebook sa mahigit 200 accounts na iniuugnay kay Nicanor Gabunada Jr., dating social media strategist ni Duterte, na sangkot daw sa "coordinated and inauthentic behavior."
Sa isang press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na karamihan naman sa mga bumoto sa presidente ay walang Facebook account.
"The overwhelming majority that voted him into office, I don't think they have Facebook accounts and whatever. These are the masses," paliwanag ng tagapagsalita.
Pinabulaanan din ni Panelo na may kinalaman ang pagpapakalat ng "fake news" ng mga nasabing page sa pagkakapanalo ng head of state.
Aniya, sadyang naka-relate lang daw talaga ang masa sa platapormang dala ng pangulo noong eleksyon kung kaya't nagwagi.
"His time was just right. The Filipino people needed somebody like him. And his entry was just the appropriate time," sabi ni Panelo, na presidential legal counsel din ni Digong.
"Hindi siya yung tipong interesado sa mga Facebook account. Hindi siya 'yon eh."
Dagdag pa niya, naging aktibo rin naman ang kampo ng ibang kandidato noong eleksyon kung kaya't maaaring nakinabang naman ang lahat sa social media.
Itinanggi rin ni Panelo na gumamit ng kaban ng bayan sa mga na-takedown na pages.
"No. I do not think so. No. I said the president has nothing to do with that. And we will not allow that," kanyang panapos.
Pagpapahina ng suporta kay Duterte?
Kung minamaliit ni Panelo ang papel ng social media sa suportang tinatamo ni Duterte, nanindigan si Gabunada na ginawa ito ng Facebook para "pahinain ang suporta sa pangulo."
"There is a reason for me to suspect that they pulled down pages and groups associated with the president and the candidates of the president because they thought it will weaken the support base and also diminish the chances of pro-admin candidates," sabi ng communications strategist.
Tinanggal ang account niya noong ika-29 ng Marso.
Pero nagkakamali naman daw ang Facebook kung tingin nila'y mapapahupa nito ang suporta ng masa kay Duterte.
Kwinestyon din niya kung bakit siya lang ang pinupuntirya at hindi ang mga pahina ng oposisyon.
"I have a feeling that I was singled out whereas the pro-opposition pages were not. There are pages Like Pinoy Ako Blog, Changescamming, Now You Know, to name a few who are anti-Duterte that are quite vicious," dagdag niya.
Maliban dito, iniuugnay lang daw talaga ang kanyang pangalan sa iba't ibang Facebook pages at groups dahil bigla na lamang daw siyang ina-add dito kahit hindi niya pinahihintulutan.
"Before, FB automatically makes anybody a part of the group without asking. Now one has to give/confirm consent. My name is in a lot of pages and groups. This may be the reason why some pages, and groups, after they examined saw my name there," paliwanag niya.
Hinikayat naman niya ang publiko na patuloy na suportahan si Duterte sa kabila ng mga nangyayari.
Dahilan bakit tinanggal
Matapos ang isang imbestigasyon, tinukoy ni Nathaniel Gleicher, head ng cybersecurity policy ng Facebook, si Gabunada bilang nag-organisa sa network na gumagawa diumano ng mga malisiyosong gawi online.
Tinanggal daw ang network ni Gabunada dahil sa "panloloko" sa taumbayan gamit ang mga pekeng account.
"What we saw is this cluster of these pages, groups and accounts – a combination of authentic and fake accounts – that were basically being used to drive messaging on behalf of and related to political candidates. They were designed to look independent, but in fact they are working together," sabi ni Gleicher sa isang press briefing sa Taguig.
Sinabi rin ni Gleicher na labag sa community standards ng Facebook ang paggamit ng mga pekeng account.
"The core hook here is that these groups are using fake accounts. In this context, it’s not just the use of fake accounts, it’s the use of fake accounts in an organized fashion along with groups and pages and other assets to mislead people about the origin of the content they are sharing," dagdag niya. — James Relativo