MANILA, Philippines — Nagtala ng +66 net satisfaction rating ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling kapat ng 2018 ayon sa Social Weather Stations.
Ito'y 16 puntos na pag-angat mula sa +50 (very good) noong Setyembre 2018.
Pasok ang marka ng pamahalaan sa "very good," ayon sa SWS.
Sa survey na isinagawa noong ika-16 hanggang ika-19 ng Disyembre, lumalabas na 76 porsyento ang "satisfied," 15 porsyento ang parehong hindi "satisfied" at "dissatisfied" at 9 porsyento ang "dissatisfied."
Sa kabuuang 17 performance subjects, nakakuha si Duterte ng "excellent" sa dalawang paksa, "very good" sa anim na paksa, "good" sa pitong paksa at "moderate" sa dalawang paksa.
Sinasabi ng fourth quarter survey na excellent siya sa mga Pinoy sa mga sumusunod:
- Promoting women's rights (+71)
- Building and maintenance of public works (+70)
Very good naman ito sa sumusunod:
- Helping the poor (+68)
- Protecting human rights (+62)
- Reconstructing Marawi City (+60)
- Fighting terrorism (+55)
- Transparency in government activities (+54)
- Deciding quickly (+50)
Good naman ang nakuha niya sa sumusunod:
- Fighting crimes (+44)
- Reconciling with Muslim rebels (+43)
- Eradicating graft and corruption (+42)
- Defending Philippine sovereignty in the West PH Sea (+40)
- Reconciling with communist rebels (+39)
- Fulfilling commitments in international treaties (+39)
- Foreign relations (+38)
Moderate naman ang nakamtan niya sa sumusunod:
- Ensuring that no family will ever be hungry (+28)
- Fighting inflation (+14)
Ratings mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas
Lumalabas na pumalo ang rating ng gobyerno sa lahat ng lugar.
"The National Administration’s net satisfaction rating rose by one grade in all areas," sabi ng SWS.
Sa Mindanao, tumaas ito mula +67 noong Setyembre patungong +75 noong Disyembre — dahilan para maging "excellent" ang rating mula sa dating "very good."
Sa Visayas, tumaas ito mula +42 patungong +63 — mula "good" patungong "very good."
Sa Metro Manila, tumaas ito mula +40 patunong +60 — mula "good" patungong "very good."
Ganoon din naman ang itsura sa Balance Luzon, mula +48 patunong +65.
Batay sa datos, sinasabing "very good" ang kanyang nakuha sa parehong urban (+68) at rural areas (+65).
Nakakuha si Digong ng "excellent" mula sa class A, B, C at E, habang nakakuha naman ng "very good" para sa class D.
Tumaas ang net rating sa limang paksa, habang "steady" pa rin sa 12 iba pa.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,440 adults sa buong bansa: 360 sa Balance Luzon, 360 sa Metro Manila, 360 sa Visayas at 360 sa Mindanao.
Meron itong sampling error margin na ±2.6% porsyento para sa national percentages at ±5 porsyento para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.
"The quarterly Social Weather Survey items on public satisfaction with the general performance of the National Administration, and its performance on specific subjects, are non-commissioned. These items are included on SWS's own initiative and released as a public service," sabi ng pag-aaral. — James Relativo