MANILA, Philippines — Tuloy ang kaso ng Sandiganbayan laban kay House Committee on Appropriations Chairman at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. dahil sa kasong may kaugnayan sa Malampaya fund.
Sa 28 pahinang resolusyon na inilabas noong Marso 6, hindi pinagbigyan ng anti-graft court ang kahilingan ni Andaya na ibasura ang 194 kasong isinampa laban sa kanya dahil sa umano’y paglustay sa P900 milyong pondo ng Malampaya.
Ito ay kahit pa sinabi ni Andaya na ang pagpirma tulad ng special allotment release orders ay hindi naman nangangahulugan na ito ay may element na ng graft at malversation.
Sa kanyang mosyon, sinabi ni Andaya na ang kaso laban sa kanya ay “fatally deffective” dahil bigo raw itong maipakita na nakibahagi siya sa naturang scheme.
Pero sinabi ng Sandiganbayan na ang mga ebidensya laban kay Andaya ay sufficient in form.