^

Bansa

Comelec: 'Paninira' sa kandidato gamit ang patalastas papayagan

Philstar.com
Comelec: 'Paninira' sa kandidato gamit ang patalastas papayagan
"Allowed po ang negative campaigning," banggit ni Comelec spokesperson James Jimenez.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Tuwing panahon ng kampanya, hindi na bago ang mga ads at commercials para papurihan ang mga kandidato. Ngunit papaano kung kabaliktaran nito ang laman?

Sa panayam ng DZMM kay James Jimenez, tagapagsalita ng Commission on Elections, hindi labag sa batas ang pagsasagawa ng negative campaigning.

"Allowed po ang negative campaigning," banggit niya.

Ang negative campaign ay tumutukoy sa uri ng political advertising na tumutukoy sa mga kakulangan o problema ng ibang kandidato sa halip na maganda.

"Whether it's positive or negative ads, hindi po pinakikialaman ng Comelec ang content," kanyang dagdag.

Ayon sa Comelec, hindi nila trabaho na i-regula ang lalamanin ng advertisement.

Gayunpaman, inilinaw niya na ino-obliga nila ang mga kandidato at partido na magsumite ng ulat tungkol sa ginagastos nila sa mga "social media associates" kaugnay ng ihahaing Statements of Contributions and Expenditures.

Sinang-ayunan naman ito ng grupong Legal network for Free Elections, National Citizen's Movement for Free Elections at Kontra Daya.

Hindi raw maaaring pakialaman ang laman ng campaign propaganda dahil lalabag na ito sa malayang pamamamahayag, banggit ni Namfrel treasurer Lito Averia.

“That’s why it is difficult to regulate content. Comelec is shying away from it. From my personal standpoint, the way I see it, it is a no-no (Kaya mahirap mag-regula ng content. Laging umiiwas ang Comelec diyan. Sa personal kong pananaw, sa tingin ko, ekis 'yan.),” sabi ni Averia.

Sinegundahan naman ito ng convenor ng Kontra Daya na si Danilo Arao, na umaming mahirap kontrolin ang propaganda.

“The danger in controlling content is you might also end up infringing on freedom of expression. Of course, there could be a noble intention behind it – to help raise the level of discourse (Ang problema sa pagkontrol ng content ay baka matatapakan mo ang kalayaan sa pamamahayag. Siyempre, pwedeng may magandang layunin sa likod nyan – para pataasin ang antas ng diskurso),” wika ni Arao.

Voter's education

Aniya, nasa paglikha ng matalinong botante nakasalalay kung paano mapahahalagahan ang content na  nagsisiwalat ng katotohanan sa mga kandidato.

Binigyang-diin naman ni Lente project director Brizza Rosales ang pangangailangan ng pagka-"capacitate" sa publiko para maayos na mabatid kung sino ang dapat piliin sa darating na midterm polls.

“For now, the most effective way is still public voter education... We have to teach them what to expect on election day, the campaign regulations... They should know their candidates not based on personality but on platform (Sa ngayon, ang pinakaepektibong paraan ay ang public voter education... Kailangan natin silang turuan kung ano ang dapat asahan sa araw ng halalan, yung mga regulasyon sa kampanya... Kailangan nilang makilala ang mga kandidato 'di batay sa personalidad kundi sa plataporma),” dagdag ni Rosales.

Makinarya ng estado bawal gamitin

Muli namang inilinaw ni Jimenez na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng rekurso ng gobyerno para sa "partisan political purposes."

“No distinction. No qualification. If it’s government resources, it cannot be used for partisan politics (Walang pagtatangi. Walang kwalipikasyon. Kung resources 'yan ng gobyerno, 'di 'yan pwedeng gamitin sa partisan politics).”

Nauna nang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi gagamit si Pangulong Rodrigo Duterte ng government resources para iendorso ang kanyang mga pambato.

“But, let me just emphasize… it will be just verbal endorsement (Uulitin ko lang... Verbal lang ang pag-eendorso),” sabi ni Panelo.

Binalaan din niya ang lahat ng kawani ng gobyerno laban sa pangangampanya dahil maaari silang mapanagot sa ilalim ng election laws.

“The president even asked – called upon the members of the Cabinet to strictly follow the rules on the prohibition on government employees, officials not to campaign for or against any political candidate, exempting himself, because the provision says he is exempted from it.”

2019 MIDTERM ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

POLITICAL ADS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with