Malacañang dinepensahan si Diokno vs ‘suhulan’ issue

Sinabi rin ni Diokno na pawang kasinunga­lingan o “false claims” ang mga pinagsasabi ni Andaya na nagkaroon daw ng bribery.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ng Malacañang si Budget Secretary Benjamin Diok­no sa akusasyon ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya na sinuhulan nito ang mga Kongresista ng P40 bil­yon para tumahimik sa isyu ng budget insertions. 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi gawain ng mga Cabinet secretary ni Pangulong Duterte lalo ni Secretary Diokno na manuhol sa mga kongresista. 

Sinabi rin ni Diokno na pawang kasinunga­lingan o “false claims” ang mga pinagsasabi ni Andaya na nagkaroon daw ng bribery. 

Inihayag naman ni Palace spokesperson Salvador Panelo na hindi dapat binabastos ni Andaya si Diokno o ang mga Cabinet Secretary ni Digong.

“Congress should accord the same courtesy to an official whom it invites as a resource person by observing its own rules such as giving property notice and sufficient time to prepare,” ani Panelo. 

Hindi dumalo si Diok­no sa pagdinig kahapon sa Kamara kung saan ay ipinunto nitong lumabag ang komite ni Andaya sa House rules na dapat ay bigyan ng 3 araw na palugit ang resource person bago ang itinakdang pagdinig.

Pinagsusumite si Diok­no ng 3 mahahabang report tungkol sa budget pero wala pang isang araw ang binigay dito para maghanda.

Noong nakaraang December 11 humarap si Diokno sa isang Question Hour kung saan binastos ito ni Andaya imbes na pasagutin sa mga tanong na sinabing itatanong ng Kongreso.

Sinabi naman ni Pa­ngulong Duterte na hindi nayayanig ang tiwala nito kay Diokno na isang marangal na miyembro ng Gabinete.

Show comments