Pagtatanim ng ‘damo’ bawal sa marijuana bill

Paliwanag ni Albano, aarestuhin pa din ang sinumang mahuhuling gumagamit, nagtatanim sa loob ng bahay at nag iingat ng marijuana dahil sa ilalim umano ng panukala ay dapat itong nakaproseso o nasa medicinal form tulad ng oil, suppository o tableta.
MIchael Varcas

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Isabela Congressman Rodolfo Albano II na, kahit maging ganap na batas ang panukala sa medicinal cannabis, mananati­ling illegal ang paggamit at pagtatanim ng marijuana. Inaasahang ipapasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 6517 ngayong linggo ang naturang panukala na magpapahintulot sa paggamit ng marijuana sa mga malulubhang sakit.

Show comments