^

Bansa

60% ng species ng kape nanganganib maging 'extinct'

James Relativo - Philstar.com
60% ng species ng kape nanganganib maging 'extinct'
Nakitang 75 coffee species ang kinatatakutang maging extinct: 13 ang "critically endangered," 40 ang "endangered" (kabilang ang coffea arabica), habang 22 ang bulnerable.
Pixabay.com

MANILA, Philippines — Nanganganib maubos ang tatlo sa limang klase ng wild coffee dahil sa kombinasyon ng climate change, sakit, at pagkaubos ng mga gubat ayon sa panibagong pag-aaral noong Miyerkules.

Mahigit kumulang dalawang bilyong tasa ng kape ang iniinom kada araw. Ngunit alam niyo bang nakasalalay sa iilang rehiyon sa mundo ang pinagkukunan ng wild varieties nito para makaiwas sa banta ng mga peste?

Gumamit ng makabagong computer modelling techniques at on-the-ground reseach ang mga siyentista mula sa Kew Royal Botanic Gardens sa Britanya para malaman ang posibleng kasapitan ng 124 na klase ng kape sa patuloy na pag-init ng mundo at pagkawasak ng kalikasan.

Nakitang 75 coffee species ang kinatatakutang maging extinct: 13 ang "critically endangered," 40 ang "endangered" (kabilang ang coffee arabica), habang 22 ang bulnerable.

"Overall, the fact that the extinction risk across all coffee species was so high — nearly 60 percent — that's way above normal extinction risk figures for plants," sabi ni Aaron Davis, head ng coffee research sa Kew.

(Sa kabuuan, yung katotohanan na mataas ang extinction risk sa halos lahat ng kape — halos 60 porsyento — sobra-sobra pagdating sa normal na extinction risk figures sa mga halaman.)

"It's up there with the most endangered plant groups. In another way, it's hardly surprising because a lot of species are hard to find, grow in restricted areas... some have a population only the size of a football pitch."

(Kahanay niya ang pinakananganganib na mga klase ng halaman. Hindi na kagulat-gulat na mahirap mahanap ang ilang species, tumutubo sa mga lugar na 'di mapupuntahan... ang ilang populasyon ay kasinlaki lang ng football pitch).

Mayor na nakasalalay ang produksyon ng kape sa dadalawang species: arabica at robusta.

Umaabot sa 60 porsyento ng kapeng ibinebenta sa mundo ang arabica. Likas itong natatagpuan sa dalawang bansa: Ethiopia at South Sudan.

Nalaman ng team ng Kew na isa sa tatlong wild arabica species ang itinatanim sa labas ng protektadong mga lugar.

"You've also got the fact that a lot of those protected areas are still under threat from deforestation and encroachment, so it doesn't mean they are secure," dagdag ni Davis, na nagsulat ng pag-aaral na inilabas sa Science Advances journal.

(Kailangan mo ring tignan yung katotohanan na marami sa mga pinangangalagaang lugar ay humaharap sa panganib ng deforestation at panghihimasok.)

Ano ang kahahantungan?

Maliban sa 'di makatatakas ng antok ang mga 'di makaiinom, ikinatatakot ng mga researchers ang epekto nito sa kabuhayan ng mga magsasakang maaapektuhan. Marami sa kanila ang kinakailangan nang lumikas sa patuloy na pagragasa ng climate change sa kanilang mga pananim.

"Ethiopia is the home of Arabica coffee (Ethiopia ang tahanan ng kapeng arabica)," sabi ni Tadesse Woldermariam Gole, senior researcher for environment, climate change and coffee sa Forest Forum.

"Given the importance of Arabica coffee to Ethiopia, and the world, we need to do our utmost to understand the risks facing its survival."

(Bilang mahalaga ang kapeng arabica sa Ethiopia, at sa daigdig, kailangan nating gawin ang lahat para maintindihan ang mga peligro sa pananatili nito.)

Kinakailangan daw na masiguro ng mga wholesaler na mabayaran nang husto ang mga nagtatanim para makapaghanda at makapamuhunan sa mga mas mahuhusay na paraan ng pagtatanim at pangangalaga dito. 

Dagdag ng grupo sa likod ng pag-aaral, kinakailangang pangalagaan at mapasigla ang mga gubat para mas madaling lumaki ang mga ligaw at sinasakang kape.

Pinahupa naman ni Davis ang takot ng marami at sinabing walang kakulangan sa isa sa pinakapaboritong inumin sa mundo.

"As a coffee drinker, you don't need to worry in the short term (Kung mahilig ka sa kape, wala pa namang dapat ipangamba sa ngayon)," sabi niya.

"What we are saying is that in the long term if we don't act now to preserve those key resources we don't have a very bright future for coffee farming."

(Ang sinasabi lang namin ay madilim ang kinabukasan ng pagkakape kung hindi tayo kikilos ngayon).

CLIMATE CHANGE

COFFEE

EXTINCTION

SCIENCE ADVANCES JOURNAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with