MANILA, Philippines — Nagtala ng average annual job creation na 81,000 para sa taong 2017 at 2018 ang Pilipinas — pinakamababa mula noong administrasyon ni Ferdinand Marcos ayon sa IBON Foundation.
"The number of employed only increased by 162,000 from 41 million in 2016 to 41.2 million in 2018," ayon sa pahayag ng IBON.
Hinalaw ng grupo ang mga datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
"[T]his is glaringly below the annual average job creation under Corazon Aquino in 1987-1992 (810,000), Ramos in 1993-1998 (489,000), Estrada in 1999-2001 (842,000), Arroyo in 2002-2010 (764,000), and Benigno Aquino III in 2011-2016 (827,000)," dagdag nila.
Economic growth 'pinakamababa sa tatlong taon'
Ibinalita kahapon ni Budget Secretary Benjamin Diokno na pinakamataas ang nakuhang economic growth ng unang dalawang taon ni Duterte kumpara sa post-Marcos governments. Nag-average kasi ito sa 6.6 porsyento mula 2017 hanggang 2018.
Gayunpaman, sinabi ng IBON na hindi ibinalita ni Diokno ang pagbagal nito.
"Economic growth has been slowing since the start of the Duterte administration, and is heading to its lowest in three years," dagdag ng IBON.
Mula sa 6.7 porsyento na paglago sa gross domestic product (GDP) noong 2016, bumagal ito sa 6.6 porsyento noong 2017. Sa unang tatlong kwarto ng 2018 ay bumagsak pa itong lalo sa 6.3 porsyento ayon sa datos ng PSA.
Malapit naman ito sa projection ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) at Hongkong and Shanghai Banking Corp. (HSBC).
Nakikita ng AMRO na nagtapos ang GDP growth sa 6.4 porsyento sa kabuuang 2018 at bababa sa 6.3 ngayong 2019, ayon sa January update ng ASEAN+3 Regional Economic Outlook (AREO) na inilabas noong Miyerkules.
Sa forecast ng HSBC, nakikita ang GDP growth sa "moderate to 6 percent" ngayong 2019 mula sa projected 6.2 porsyento para sa 2018.
Malayo ito sa target ng gobyerno na 7-8 poryento para sa 2019.
Payo ng IBON, panahon na raw para lumayo ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tinatawag nilang "overly market-driven policies." Mas mainam daw na protektahan at suportahan ang sektor ng agrikultura at mga pambansang industriya na lilikha ng trabaho't magpapalago sa ekonomiyang panloob.
"[T]he Duterte administration should stop its fixation with growth figures because the growth it is hyping is not creating enough employment in the country," dagdag ng research group.