5 ‘narco cops’ sinibak ni Digong!
MANILA, Philippines — Sinibak ni Pangulong Duterte ang hepe ng Bacolod City Police at apat pang opisyal nito dahil umano sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Sa mensahe ng Pangulo sa dinadaluhang event sa Bacolod, ibinulgar nito na protektor umano ng iligal na droga si Sr. Supt. Francis Ebreo
“I’d like to know if the chief of police is here. If you are here kindly stand up because you are fired as of this moment,” pahayag ni Pangulong Duterte noong Sabado habang nasa Bacolod.
“In your involvement in drugs and making the people of Bacolod miserable, I am relieving and dismissing you from the service as of now, Senior Superintendent Francis Ebreo.”
Bukod kay Ebreo, sibak din sa pwesto sina P/Supt. Ritchie Yatar, Supt. Nasruddin Tayuan, Sr. Insp. Victor Paulino at Supt. Allan Rubi Macapagal.
Pinagre-report din ng Pangulo ngayong hapon sa Malacañang ang sinibak na mga pulis.
“But these persons that I have mentioned have something to do with the interest of the city...you are protecting, or you are in cahoots with the drug syndicate in the city,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.
Ayon kay PRO-6 Regional Police Director CSupt. John Bulalacao, hindi nagawang sugpuin ni Ebreo ang pagkalat ng iligal na droga sa Bacolod dahil pino-protektahan umano nito ang ilang mga police commissioned and non-commissioned officers ng Bacolod PNP na sangkot sa illegal drugs.
Hawak na ng Regional Personnel Holding and Accounting Unit ang limang opisyal habang iniimbestigahan.
Nanghihinayang naman si Bulalacao kay Ebreo dahil magaling itong opisyal at naayos ang disiplina ng pulis sa Bacolod City bukod pa rito marami rin siyang accomplishment.
Paliwanag niya, nagkagulatan ng banggitin ng Pangulo na sangkot ang mga opisyal sa iligal na droga dahilan kaya naglabas agad siya ng kautusan para sibakin sa puwesto ang grupo ni Ebreo.
Samantala, itinalaga bilang bagong chief of police ng Bacolod si SSupt. Henry Binas.
- Latest