^

Bansa

Election period nagsimula na - Comelec

Doris Franche, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Election period nagsimula na - Comelec
Pinangunahan kahapon nina PNP Chief Gen. Oscar Albayalde at NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang checkpoint sa pagsisimula ng election period sa bansa.
Jove Cagande

MANILA, Philippines — Opisyal nang nagsi­mula ang election season, apat na buwan bago ang midterm polls.

Alas-12 kahapon ng hatinggabi nang ipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban kasabay ng pagla­lagay ng mga checkpoint sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang PNP.

Dinaluhan nina Co­melec Chairman Sheriff Abas at Spokesman James Jimenez ang kick-off ceremony sa Camp Karingal, Quezon City kasabay ng nationwide checkpoint operations ng PNP.

Muling inabisuhan nina Abas at Jimenez ang mga motorista na hindi sila obligadong bumaba sa kanilang sasakyan o magbukas ng compartment dahil sapat na  ang pagsilip ng mga pulis sa mga sasakyan nang walang physical contact.

Ayon naman kay PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana, magkakaroon lang ng physical inspection ‘pag nadiskubre na ng mga pulis na mayroong kontrabando sa kanilang sasakyan.

Nagbabala naman ang opisyal na ang mga motorista na makukunan ng explosives, firearms, bladed weapons at iligal na droga sa checkpoints ay aarestuhin.

Pinaalalahanan ni Durana ang kapuli­san na dapat gawin ang checkpoints sa mga ma­­liliwa­nag na lugar at komunidad habang nakauniporme sila ng pulis, bukod dito dapat din magkaron ng proper markings sa mga lansa­ngan at naka­lagay din ang pangalan at contact details ng election officers sa kanilang area para malaman ng publiko.

Sakaling mayroong mga problema tungkol sa checkpoint operations ay maaaring tawagan ang national emergency hotline number na 911 o magreklamo sa official facebook account ng PNP.

Samantala, mino-mo­nitor na ng Comelec at PNP ang 18 election hot spots dahil sa mga naitalang karahasan at presensya ng private armed groups.

COMMISSION ON ELECTIONS

MIDTERM ELECTION 2019

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with