Baha, landslide ibinabala kay ‘Usman’

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, kung ang bagyo ay mamamalagi sa iisang lugar, hindi kakayanin ng lupa ang malakas na ulang dala nito kaya bibigay ang lupa at maaaring magkaroon ng landslide.

MANILA, Philippines — Lalo pang naging mapanganib ang bagyong Usman dahil sa halos hindi nito pag-usad sa nakalipas na mga oras.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, kung ang bagyo ay mamamalagi sa iisang lugar, hindi kakayanin ng lupa ang malakas na ulang dala nito kaya bibigay ang lupa at maaaring magkaroon ng landslide.

Dahil sa pagbagal ng galaw nito, maaaring nga­yong umaga mag-landfall ang sama ng panahon sa Eastern Samar.

Babala ng PAGASA, nanganganib sa baha at landslide ang mga nasa low lying areas ng halos buong Visayas.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 230 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 65 kph.

Kumikilos ito nang pa­kanluran hilagang kanluran sa 10 kph.

Samantala, stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa bansa ang mahigit 15,000 pasahero dahil sa masamang lagay ng panahon bunsod pa rin ng tropical depression “Usman.”

Show comments