MANILA, Philippines — Hindi malayong tumagal pa ang pagbubusisi sa gagamiting source code ng PCOS or automated election system para sa gaganapin na Halalang 2019.
Isiniwalat ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na inrerekomenda ang pagpapalawig dito lagpas ng Enero.
Isinasagawa ang naturang review upang masilip ang gagamiting software sa automated elections.
"For now, we have until Jan. 31 (to review the source code) at the De La Salle University," sabi ni Jimenez.
Magbibigay daan daw ito para lalo pang masiyasat ng mga interesadong grupo.
Ibinukas ng Comelec ang pagre-review sa mga tao simula pa noong Oktubre.
Sa kasalukuyan, 66 na indibidwal kabilang sa 19 na grupo na ang lalahok sa local source code review.
Wala pa namang inilalabas na mayor na komento ang mga nag-rereview.
Sa bisa ng Republic Act 9369, inaatasan ang Comelec na isapubliko ang source code sa lahat.