MANILA, Philippines — Hindi dapat na ipagbawal ang mga motorcyles for hire kundi dapat lamang itong mai-regulate ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters and Safety Protection (LCSP) at dating LTFRB boardmember, kaugnay ng ginawang pagpapatigil sa operasyon ng motorcycle ride-sharing service na Angkas.
“Dapat na ma-regulate ang mga motorcycles for hire. Naging mahalagang bahagi na ito ng transportasyon dahil sa tindi ng trapik at ibang terrain na hindi napapasok ng four wheel drive,” pahayag ni Inton.