^

Bansa

CPP-NPA nagdeklara ng unilateral ceasefire

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
CPP-NPA nagdeklara ng unilateral ceasefire
Ang unilateral ceasefire ay mula Disyembre 24-26 ng taong ito at Dis. 31, 2018 hanggang Enero 1, 2019.

Patibong yan - Lorenzana

MANILA, Philippines — Nagdeklara kahapon ng 5-araw na unilateral ceasefire ang Communist  Party of the Philippines (CPP) kaugnay ng kapaskuhan at sa nalalapit na ika-50 taong anibersaryo ng kilusang komunista ngayong Disyembre 26.

Ang unilateral ceasefire ay mula Disyembre 24-26 ng taong ito at Dis. 31, 2018 hanggang Enero 1, 2019.

“During the days covered by this temporary ceasefire declaration, all units of the NPA (New People’s Army) and people’s militias shall cease and desist from carrying out offensive military campaigns and operations against uniformed armed personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and Philippine National Police (PNP),” anang statement mula sa CPP Central Committee.

Gayunman, sinabi ng CPP na maaring paikliin at bawiin ang unilateral ceasefire kapag umatake ang tropang gobyerno sa kanilang hanay at maging sa mga lider aktibista.

Duda naman dito si Defense Sec. Delfin Lorenzana at sinabing isa lamang patibong ang unilateral ceasefire ng CPP-NPA.

Ayon kay Lorenzana, posibleng taktika lamang umano ito upang makapaglunsad ng mga sorpresang pag-atake sa mga Army detachments ang NPA rebels.

Bukod dito, ginagamit din umano ito ng mga rebelde para makagpalakas ng puwersa sa pamamagitan ng pagre-recruit ng mga sasapi sa kanilang kilusan at makapangalap ng mga karagdagang armas sa inilulunsad na raid laban sa mga himpilan ng pulisya at militar.

“We are not inclined to recommend to the President a holiday truce this time. Reason natin is unang-una nakita na natin yung insincerity nila at non-compliance nila sa mga dapat gawin bahagi ng kanilang commitment to abide by the holiday truce,” sabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with