MANILA, Philippines – Sinibak ni Pangulong Duterte ang mataas na opisyal ng Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) dahil sa isyu ng corruption.
Inanunsiyo kahapon ni Pangulong Duterte sa Tanza, Cavite na kanyang nilagdaan kahapon ang termination paper ni HUDCC secretary-general Falconi Millar.
Ang dahilan ng pagsibak kay Millar ay dahil sa isyu ng corruption.
Nangyari ang pagsibak kay Millar ilang linggo matapos ang ground breaking ng Marawi rehabilitation.
“We assure the public that the delivery of public services shall unimpedely continue, especially in rehabilitating Marawi City and other affected areas,” wika naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos sibakin si Millar.