MANILA, Philippines — Muling iginiit kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na panahon na upang bawasan ang listahan ng 143 produkto at serbisyo na hindi kasama sa pinapatawan ng 12% value added tax.
Naniniwala si Lacson na kahit pa ibaba sa 10% ang VAT, mas malaki pa rin ang makokolekta ng gobyerno kung tatanggalin ang napakaraming serbisyo at produkto na exempted sa VAT.
Ipinunto pa ni Lacson na ang Pilipinas ang may pinakamaraming exemption sa buong South East Asia.
Mula sa 143, nais ni Lacson na tanggalin sa listahan ang nasa 67 at 65 na lamang ang mga uri ng produkto at serbisyo na libre sa VAT.
Isa aniyang hamon sa Bureau of Internal Revenue ang pangongolekta ng VAT dahil sa daming technicalities kaya nadadapa ang mga taxpayers.