‘Direct Remit’ ng BDO pinarangalan sa UAE

MANILA, Philippines — Itinanghal na “The Most Innovative Service of the Year” ang DirectRemit-to-BDO accounts sa katatapos na taunang gabi ng parangal ng The Filipino Times (TFT), ang pinakamalaki at pinakapinagkakatiwalaang pahayagang Filipino sa United Arab Emirates (UAE) na ginanap kamakailan sa JW Marriott Marquis Hotel, Dubai.

Ang TFT Awards ay naglalayong kilalanin ang mga nangu­ngunang brand and kumpanya na malapit sa puso ng mga Pilipino sa UAE, na ninunomina para sa kanilang world-class na galing pagdating sa serbisyo at kalidad ng produkto.

Ang DirectRemit ay isang eksklusibong serbisyo na iniaalok ng Emirates NBD, ang pinakamalaking remittance bank partner ng BDO Remit sa UAE, kung saan ang mga account holders ng Emirates NBD ay maaring mag-remit online diretso mula sa kanilang account patungo sa kanilang BDO Kabayan Savings at iba pang BDO accounts sa loob lamang ng animnapung segundo, nang libre.

Show comments