^

Bansa

22 na death toll sa bagyong Rosita

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
22 na death toll sa bagyong Rosita
Sa inisyal na ulat, base sa report sa Cordillera Office of Civil Defense (OCD) ni Natonin Councilor Rafael Bulawe, kabilang sa 14 nasagip bandang alas-4:00 ng hapon kamakalawa ay sina Juventino Lammawen at Fritz Lumpanga.
DPWH MPDSEO via AP

MANILA, Philippines — Milagrong nasagip nang buhay ang 14 pa katao mula sa gusali ng 2nd Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natabunan sa landslide dulot ng malalakas na pag-ulan ng bagyong Rosita sa Sitio Hakrang, Brgy. Batawel, Natonin, Ifugao, ayon sa ulat kahapon.

Sa inisyal na ulat, base sa report sa Cordillera Office of Civil Defense (OCD) ni Natonin Councilor Rafael Bulawe, kabilang sa 14 nasagip bandang alas-4:00 ng hapon kamakalawa ay sina Juventino Lammawen at Fritz Lumpanga.

Samantalang, nasa 10 bangkay na ang kabuuang narekober sa landslide area habang patuloy sa pagkukumahog ang mga rescuers sa pag-asang may mare­rekober pa na buhay sa natabunang gusali ng DPWH.

Nitong Martes, sa pa­­gi­tan ng alas-4-5 ng ha­pon ay nangyari ang land­slide na tumabon sa tatlong gusali ng DPWH.

BAGYONG ROSITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with