^

Bansa

Bigtime rollback pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bigtime rollback pa
Sinabi ng Petron na mas maliit na P1.50 kada litro sa gasolina ang kanilang ibababa ngunit bahagyang mas mataas naman sa P.65 kada litro sa diesel ang tatapyasin.
Michael Varcas

MANILA, Philippines —  Muling nagpatupad ng bigtime rollback ang mga kumpanya ng langis sa ikalawang sunod na linggo makaraang may ilan na mauna nang magtapyas ng presyo ng kanilang petrolyo nitong nakaraang Sabado.

Kahapon, unang nagpatupad ng rolbak ang Seaoil pagpatak ng alas-12:01 ng madaling araw.  Nasa P1.65 kada litro sa gasolina, at P.60 kada litro sa diesel.

Alas-6 ng umaga nang sumunod ang mga kumpanyang Unioil at Jetti Petroleum na nagbaba ng kahalintulad na presyo sa naturang mga produkto.

Samantala, nagpahayag naman ang Petron at Flying V na magbababa ng presyo ng kanilang produkto dakong alas-6 ng umaga ngayong Lunes.

Sinabi ng Petron na mas maliit na P1.50 kada litro sa gasolina ang kanilang ibababa ngunit bahagyang mas mataas naman sa P.65 kada litro sa diesel ang tatapyasin. Kahalintulad na presyo rin ang ibababa ng Flying V.

Nitong Sabado, nauna nang nagbaba ng kanilang presyo ang Phoenix ng P1.65 sa gasolina at P.60 sa diesel.

BIGTIME ROLLBACK

PETROLEUM PRICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with