Cadet na nagpa-‘oral sex’, anak ng general

Ito ang ibinulgar ni Chief Supt. Joseph Adnol, dating PNPA director na natanggal sa puwesto dahil sa command responsibility sa kaso.

MANILA, Philippines — Anak umano ng isang general ng Philippine National Police (PNP) ang kadeteng nagpa-‘oral sex’ sa dalawang plebo sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Ito ang ibinulgar ni Chief Supt. Joseph Adnol, dating PNPA director na natanggal sa puwesto dahil sa command responsibility sa kaso.

Ibinunyag din ni Adnol na anak naman ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isa sa dalawang plebo o 4th Class Cadet sa PNPA na biktima ng ‘oral sex scandal’.

Ang dalawang PNPA 4th Class Cadets na biktima ng sexual harassment ay isinailalim na sa counselling.

Nabatid pa sa opisyal na posibleng napag-initan lamang ng nasabing upperclassmen ang dalawang plebo kaya pinag-oral sex ito sa kaniyang harapan habang dalawa pa ang nanonood.

Ang insidente ay bahagi umano ng pagpaparusa sa dalawang kadete sa ‘minor offense’ na nagawa ng mga ito.

Matagal nang ipinagbabawal sa PNPA ang hazing subali’t kakaibang parusa ang ginawa ng 2nd Class Cadet sa dalawang plebo.

Samantala, si Adnol ay pinalitan ni Chief Supt. Jose Chiquito Malayo.  

Show comments