Libel case ni Garin vs Ubial, 3 pa ibinasura ng DOJ

Sinabi ng DOJ sa 10-pahinang resolusyon na walang sapat na basehan ang isinampang kaso ni Garin kontra kina Ubial kaya ito ibinasura.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Department of Justice ang kasong libel na isinampa ni dating Health Secretary Janette Garin laban sa successor niya sa Department of Health na si Paulyn Jean Ubial at tatlong medical practitioners.

Sinabi ng DOJ sa 10-pahinang resolusyon na walang sapat na basehan ang isinampang kaso ni Garin kontra kina Ubial kaya ito ibinasura.

Nag-ugat ang isyu sa paninisi ni Ubial at iba pang medical practitioners kay Garin sa pagkamatay ng ilang mga bata matapos umanong maturukan ng Dengvaxia vaccine noong panahong kalihim pa ng DOH si Garin.    

Show comments