DOLE Usec. sinibak ni Digong

Inanunsiyo ito ng Pa­ngulo sa kanyang talum­pati kamakalawa sa Camp Juan Ponce Sumuroy sa Catarman, Samar.

MANILA, Philippines — Sinibak ni Pangulong Duterte si DOLE Undersecretary for Labor Relations Joel Maglungsod.

Inanunsiyo ito ng Pa­ngulo sa kanyang talum­pati kamakalawa sa Camp Juan Ponce Sumuroy sa Catarman, Samar.

Hindi naman rektang tinumbok ng Pangulo ang dahilan ng pagpapaalis niya kay Maglungsod ngunit nabanggit nito ang problema ng patuloy na pagsasagawa ng strike ng mga trabahante na nakakaapekto aniya sa ekonomiya ng bansa.

Si Maglungsod ang isa sa mga kilalang makakaliwang lider na nabigyan ng posisyon sa ilalim ng Duterte administration.

Show comments