MANILA, Philippines — Pinagtibay na ng House Committee on Justice ang committee report para sa pagbasura ng impeachment complaint laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema.
Sa naging botohan ng mga miyembro ng komite, 22 ang bumoto ng pabor sa report habang si Siquijor Rep. Rav Rocamora ang tanging kumatig na may sapat na basehan ang reklamo.
Dahil dito kaya iaakyat na sa plenaryo ang report na ito para sa approval naman ng buong Kamara.
Ang impeachment complaint laban sa pitong mahistrado, kasama si Chief Justice Teresita de Castro, ay nakalusot lamang sa Sufficiency in Form subalit hindi naman nakalusot sa Sufficiency in Substance.
Maari namang i-override ng plenaryo ang dismissal ng complaint nina Rep. Edcel Lagman subalit mangangailangan ito ng 2/3 votes sa mga kongresista.