^

Bansa

P70 kada kilo ng bangus, pwede-BISDA

Pilipino Star Ngayon
P70 kada kilo ng bangus, pwede-BISDA
Sa ipinadalang liham ng Bangus Indus­try Stakeholders and Dealers Alliance (BISDA), umapela sila kay Pangulong Duterte na bawiin o kanselahin ang Board Resolution No. 540 ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at pakinggan ang rekomendasyon ng ma-liliit na mangingisda sa Rizal at Laguna na ang ikinabubuhay ay ang mga bangus sa Laguna de Bay.
Cesr Ramirez

MANILA, Philippines — Posibleng bumagsak ng P70.00 hanggang P100.00 ang kada kilo ng bangus kung paki-kinggan lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apela ng industriya ng bangus.

Sa ipinadalang liham ng Bangus Indus­try Stakeholders and Dealers Alliance (BISDA), umapela sila kay Pangulong Duterte na bawiin o kanselahin ang Board Resolution No. 540 ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at pakinggan ang rekomendasyon ng ma-liliit na mangingisda sa Rizal at Laguna na ang ikinabubuhay ay ang mga bangus sa Laguna de Bay.

Ang nasabing resolus­yon ay ang paggawa ng bagong mapa sa lawa ng Laguna kung saan ang labis na maaapektuhan ay ang mga maliliit na mangingisda na kanilang ikinabubuhay.

Ayon sa BISDA, ang naunang Board Resolution No.518 at No.525 ng LLDA ang naging sanhi ng malawakang pagbagsak ng produksyon ng bangus sa 78 porsyento, base sa datos ng Philippine Statistics Authority, matapos ipatupad ito na sumira at nagpaliit ng pangisdaan na ngayon ay 5,124 hektraya na lamang mula sa lawak na 12,500.

Sinabi ni Atty. Joel Dizon, spokesman ng BISDA, ang dalawang resolusyon ng LLDA ang bumulabog sa normal breeding, stoc-king  ng bangus sa nakaraang taon kaya’t nasira ang mga lehitimong fishpen sa lawa ng Laguna at bumagsak ang ani ng maliliit na mangingisda at fishpen operator.

Idinagdag pa ng mga samahan na kung maibabalik ang dating lawak na kanilang pinagtataniman ng bangus fingerlings at hindi sila bubulabugin ng LLDA sa kanilang lehitimong aquaculture farms, ay maibaba nila ang pres­yo ng bangus para sa hapag-kainan ng mahihirap na Pilipino.

BANGUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with