ASEAN countries tutulong sa Pinas

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na humingi ng international assistance kung hirap na ang pamahalaan sa pagresponde sa mga epekto ng bagyo.
Boy Santos

Pag ‘di kinaya si Ompong

MANILA, Philippines — Nakahandang tumulong ang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) countries sa Pilipinas kung labis ang pinsala ng bagyong Ompong.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na humingi ng international assistance kung hirap na ang pamahalaan sa pagresponde sa mga epekto ng bagyo.

Mayroon aniyang nilagdaang kasunduan si Pa­ngulong Duterte kasama ang mga iba pang leaders ng ASEAN na “One ASEAN, One Response.”

Sa naturang kasun­duan, nakasaad na mag­tutulungan ang mga bansang ASEAN sa pagtugon sa mga natural na kalamidad.

Pahayag pa ni Jalad na ngayon pa lang ay nagpahayag na ng kahandaan ang ASEAN Humanita­rian Assistance na pagkalooban ng tulong ang Pilipinas kung kakailanganin.

Una nang inihayag ni Jalad na handang-handa na ang pamahalaan sa bagyong Ompong at umaasa siyang makakamit ang “zero casualties” target.

Show comments