Jobs Fair ikakasa ng TESDA

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang Jobs Fair na pinangalanang “World Café of Opportunities through Jobs Linkages and Networking Services” (WCO through JoLiNS) ay idaraos kasabay sa pagdiriwang ng ahensya ng ika-24 taong anibersaryo at selebrasyon ng kauna-unahang National Tech-Voc Day.
Cesar Ramirez/File

MANILA, Philippines — Ikakasa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang jobs fair at financial assistance para sa mga graduates at alumni nito sa darating na ?Agosto 25 at 26 sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang Jobs Fair na pinangalanang “World Café of Opportunities through Jobs Linkages and Networking Services”  (WCO through JoLiNS) ay idaraos kasabay sa pagdiriwang ng ahensya ng ika-24 taong anibersaryo at selebrasyon ng kauna-unahang National Tech-Voc Day.

Paliwanag ni Mamondiong, ang pagdiriwang ay nakatuon sa pagbibigay ng tulong at oportunidad para sa mga technical vocational education and training (TVET) graduates/alumni. Ito ay gaganapin ng sabay-sabay sa 17 rehiyon ng bansa para sa mga TVET graduates na naghahanap ng trabaho pati na rin ang pag-aalok ng pautang sa mga gusto namang magnegosyo.

Dagdag ni Mamondiong, tinatayang 17,000 job vacancies ang inihanda para sa sabay-sabay na isasagawang WCO sa 17 regional sites sa buong bansa kung saan maaring magtungo ang mga TVET graduates para makapag-avail ng nasabing mga benepisyo.

Show comments