CIA plot vs Digong sineseryoso ng PNP

Ito’y sa gitna na rin ng muling pagbuhay ng Pangulo sa umano’y planong pagpatay sa kaniya ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sineseryoso ng Philippine National Police (PNP) ang assassination plot sa buhay ni Pangulong Duterte.

Ito’y sa gitna na rin ng muling pagbuhay ng Pangulo sa umano’y planong pagpatay sa kaniya ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, wala silang impormasyon na planong paslangin ng CIA ang Pangulo pero may mga grupo at indibidwal na nais itong itumba.

“For good measure, we always assume there is a continuing threat on the life of the president, and we are taking it seriously,” sabi ni Albayalde.

Sa pahayag ni Duterte, sinabi nito na nais ng CIA na mamatay siya kung saan ay binabantayan naman umano siya ng Russia, China, Israel at Indonesia.

“With regards to probably yung specific yung CIA, we don’t have information on that,” ani Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na bilang Pangulo ay normal lamang na may banta sa buhay nito mula sa mga dayuhang teroristang grupo at  maging mula sa CPP-NPA-NDF at lokal na teroristang organisasyon.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Albayalde na bukod sa Presidential Security Group (PSG) ay makakayang bigyang proteksyon ng AFP at PNP si Pangulong Duterte laban sa sinuman na nagnanais ng kapamahakan nito.

Una nang itinanggi ng US Embassy ang assassination plot umano ng CIA laban kay Duterte na lumutang noong nakalipas na taon.

Show comments