Bank accounts ng military officials pinapa-freeze

Ang kahilingan ni Ong ay kasunod ng utos ni Pa­ngulong Duterte na sibakin ang 20 opisyal na dawit sa anomalya kasama sina AFP Health Service Commander Brigadier General Edwin Torrelavega at V. Luna Medical Center Commander Col. Antonio Punzalan.
Chester Lobramonte/Facebook Photo

MANILA, Philippines — Hiniling ni Leyte Rep. Henry Ong sa gobyero na agad ipa-freeze ang bank accounts ng mga opisyal ng militar na sangkot umano sa anomalya sa V. Luna Hospital.

Ang kahilingan ni Ong ay kasunod ng utos ni Pa­ngulong Duterte na sibakin ang 20 opisyal na dawit sa anomalya kasama sina AFP Health Service Commander Brigadier General Edwin Torrelavega at V. Luna Medical Center Commander Col. Antonio Punzalan.

Ayon pa sa kongresista, na si AFP Chief of Staff General Carlito Galvez ang dapat makipag-ugnayan sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Department of Justice (DOJ) para sa mabilis na pag-freeze ng bank accounts at iba pang liquid assets ng mga nasabing opisyal.

Mahirap na umanong maunahan pa ang gobyerno dahil baka ngayon pa lamang ay naglilipat na ng salapi ang mga nasibak na opisyal para makaiwas sa pananagutan.

Hiniling din ni Ong na agad pawalang bisa ang signatory authority na naibigay sa mga nasabing opisyal.

Bukod dito ang lahat din umano ng financial records, paper at electronic trail ng kwestiyunableng transaksyon ay kailangang ingatan para magamit sa imbestigasyon ng NBI.

Ang Malakanyang mismo umano ang nag-anunsiyo na dawit sa mga iregularidad ang military officials na sinibak ng Pangulo tulad ng ghost purchase at paghahati-hati ng kontrata para makaiwas sa bidding.

Show comments