MANILA, Philippines — Ang panukalang Federal Constitution ay magpapaikli sa termino nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo na takdang matapos sa Hunyo 30, 2022.
Ito ang ipinahayag ng tagapagsalita ng Consultative Committee (ConCom) ni Duterte na si Conrado Generoso nang humarap sa isang news forum sa Quezon City kahapon.
Sinabi ni Generoso na, sa panukala, magkakaroon ng eleksyon para sa transition president at vice president makaraang maratipikahan ng mga mamamayan ang panukalang bagong Konstitusyon.
Ipinaliwanag ni Generoso na papalit ang transition president at vice president kina Duterte at Robredo at magsisilbi lang sa panahon ng transition tungo sa federal system.