^

Bansa

Draft ng federal charter tinanggap na ni Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Draft ng federal charter tinanggap na ni Sotto
Ayon kay Sotto, isasailalim nila sa reviews ang panukalang bagong konstitusyon na magiging daan para mabago ang porma ng gobyerno sa federal.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Tinanggap na kahapon ni Senate President Tito Sotto ang kopya ng draft ng federal cons­titution mula kay da­ting Supreme Court chief justice at Constitutional Commission Chairman Reynato Puno.

Ayon kay Sotto, isasailalim nila sa reviews ang panukalang bagong konstitusyon na magiging daan para mabago ang porma ng gobyerno sa federal.

Pero ipinaliwanag ni Sotto na bagaman at tinanggap na nila ang draft mula kay Puno kasama si dating Senate President Nene Pimentel, hihintayin pa rin nila ang “official transmittal” ni Pangulong  Duterte.

Nauna ng binigyan ng ConCom ng kopya ng draft ang House of Representatives.

Sinabi naman ni Puno na maaring gawin ni Duterte ang opisyal na transmittal ng draft ng federal constitution sa kanyang State of the Nation Address.

Idinagdag ni Puno na kabilang sa mga hiniling ni Duterte ang pagtiyak na hindi siya maaring tumakbo sa 2022 presidential election at ang pagpapatawag ng eleksiyon para sa transitory president at transitory vice president na mamamahala sa transitional period.

Ipinaliwanag naman ni Pimentel na may tatlong paraan para mabago ang Konstitusyon - Cons­titutional Convention, Cons­tituent Assembly and People’s Initiative. Pero ang pinakamadali anya ay sa pamamagitan ng Kongreso o Constituent Assembly.

“ As a final word I want everyone to know that there is nothing personal here for any of us. Para sa taong bayan ito. Bayanihan federalism. It is for the people and we hope that makita ng taong bayan during the consultations na gagawin, hindi lang kami, pati na siguro DILG will be organizing forums for that. That is the reason why we want to people to understand ang puno’t dulo nitong federa­lism, bago nila tanggapin, hindi lang sa dahil gusto ni President Digong, mas maganda kung maintindihan ng taumbayan saan ba patungo itong federa­lism,” sabi ni Pimentel.

SENATE PRESIDENT TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with