‘Gardo’ nananatili pa rin ang lakas

Pinalalakas ni Gardo ang habagat kaya maulan sa MIMAROPA at Western Visayas at minsang pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Zambales, Bataan, at Aurora hanggang ngayong Martes.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nananatili ang lakas ng Bagyong Gardo habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran.

Pinalalakas ni Gardo ang habagat kaya maulan sa  MIMAROPA at Western Visayas at minsang pag-ulan sa  Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Zambales, Bataan, at Aurora hanggang ngayong Martes.

Partikular na apektado ng habagat ang Luzon kaya pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente nito na mag-ingat laluna yaong mga nasa mababang lugar dahil sa mga pag uulan na magdudulot ng flashfloods at landslides.

Ngayong Martes ng umaga, si Gardo ay inaasa­hang nasa layong 645 kilometro ng silangan hilagang silangan ng  Basco, Batanes.

Inaasahang tatagal sa bansa si Gardo hanggang Huwebes.

Show comments