^

Bansa

Roque sa pagkamatay ng mga lokal na opisyal: It’s political season

Jaeger Dwayne G. Tamaray - Pilipino Star Ngayon
Roque sa pagkamatay ng mga lokal na opisyal: It’s political season

MANILA, Philippines – Inugnay ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa darating na halalan sa 2019 ang serye ng pagpatay sa mga alkalde at bise alkalde nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Roque na walang sistema sa pagkamatay ng apat na opisyal sa loob ng isang linggo. Aniya walang kinalaman ang narco-list dito.

“The more plausible explanation behind this is it’s political season in the Philippines,” saad ni Roque.

Pahayag niya na sa tatlong opisyal na pinatay, isa lang ang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

“Iba’t ibang teyorya, motibong posible, pero ang common lang diyan ay lahat sila pulitiko” wika ni Roque.

Patay si Tanauan City Batangas Mayor Antonio Halili nitong Hulyo 2 matapos barilin sa kalagitnaan ng flag-raising ceremony.

Ilang oras matapos ito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati na maaring koneksyon sa iligal na droga ang motibo sa pagpatay kay Halili, na itinanggi naman ng anak yumaong alkalde.

Kinabukasan, patay naman sa pananambang si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote. Nitong Sabado, sunod na namatay sa pamamaril si Marites City, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.

Sinabi ni Roque na dahil sa sunud-sunod na pagpaslang ay tinitingnan ng Commission on Elections ang pagpapatupad ng gun ban bago ang halalan.

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra kahapon ang National Bureau of investigation na imbestigahan pagpatay sa mga politiko.

2019 MIDTERM ELECTIONS

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with