MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Florita habang mabagal na kumikilos sa hilagang kanluran ng Philippine Sea.
Alas-10:00 ng umaga kahapon, si Florita ay namataan ng PAGASA sa layong 795 kilometro silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 85 kilometro bawat oras at may pagbugso na umaabot sa 105 kilometro bawat oras.
Si Florita ay patuloy ang mabagal na pagkilos pahilagang kanluran.
Magtatagal ang bagyo hanggang Martes.