MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Duterte ang pulisya na kapkapan ang mga istambay at kung may nilabag na batas ay hulihin kahit menor de edad ang mga ito.
“Kakapkapan, maski sa America allowed ‘yan. Tingnan mo kung ma-aresto ka maski nandoon ka. Kakapkapan ka talaga,” wika pa ng Pangulong Duterte matapos ang oath-taking ng mga bagong halal na barangay chairmen sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.
“That to me is legal until the Supreme Court says it is illegal. [Asa imong statistics?] (Where is your statistics?) Until the Supreme Court says or court says that I cannot do it… I am now invoking the police power of the state to establish order, safety, ‘yan. That is not subject to a legislation,” paliwanag pa ni Duterte.
Aniya, puwedeng iutos ng Pangulo sa pulisya gayundin sa mga local executives na mag-isyu ng regulasyon upang maprotektahan ang public safety, public order, public health at protektahan ang general welfare ng bawat Filipino.
“We call them istambay. That’s the word. That is my order. And you continue to frisk people who are there doon sa dalan and that is legal. Until such time, that is my order. Do not believe in the criticisms. Do not read it. It’s none of your business to be reading what they are talking about. It’s our business to follow what we are ordered to do,” giit pa ni Duterte.
Magugunita na naunang sinabi ng Pangulo na hindi naman niya pinapaaresto ang mga istambay matapos mahigit 10,000 tambay ang naaresto ng pulisya kundi pinasisita lamang niya ang mga ito at kung may nilabag na batas ay dalhin sa presinto at kasuhan habang ang mga menor de edad matapos madala sa presinto ay dapat i-turnover sa barangay upang makuha ng kanilang magulang at kung walang magulang ay dalhin sa DSWD for custody.