MANILA, Philippines — Tatlong dekada na ang nakararaan nang mapatalsik sa Malacanang ang pamilyang Marcos, at ngayon ay nais nilang makabalik.
Inamin ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na gusto niyang pamunuan ang bansa bilang pangulo sa hinaharap.
Sa kaniyang panayam sa Financial Times, sinabi niya na nagbabalak siyang tumakbo sa 2022 sa pagkapangulo, kapag bumaba na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
“My career is politics, and, in fact, you aspire to as excessive a stature inside your chosen area as you can possibly obtain—and that might be president in my case,” wika ni Marcos sa London-based publication.
“But it is not something that I wake up in the morning and plan on,” dagdag niya.
Aniya nais niyang pamunuan ang bansa upang mapabuti tulad ng ginawa ng kaniyang ama na taliwas ngayon na puro politika lamang.
“In my father’s administration, I kept hearing ‘nation-building’, and I do not hear that phrase any more. It’s more politicking than nation-building,” sabi ni Marcos.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang recount sa vice presidential election matapos iprotesta ito ng dating senador.
Inakusahan niya si Bise Presidente Leni Robredo nang pandaraya kaya siya natalo noong 2016.