^

Bansa

246 pari, pastor ‘ready for war’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
246 pari, pastor ‘ready for war’
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na, sa 246 lider ng mga relihiyon ay 188 dito ang mula sa Simbahang Katoliko habang 58 pa ang mula sa iba’t ibang sekta ng relihiyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 246 mga pari, ministro at pastor ng iba’t ibang relihiyon ang nag-apply sa Phi­lippine National Police (PNP) upang makapagbitbit ng armas.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na, sa 246 lider ng mga relihiyon ay 188 dito ang mula sa Simbahang Katoliko habang 58 pa ang mula sa iba’t ibang sekta ng relihiyon.

“We have received 246 requests for Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) from 188 priests; and 58 ministers, preachers and pastors,” ani Albayalde.

Sa rekord ng PNP-Firearms and Explosives Office (FEO), ang mga alagad ng iba’t ibang sekta ng relihiyon sa pangunguna ng mga paring Katoliko ang iba rito ay dati nang nag-apply habang ang bulto ay nito lamang Hunyo.

Naging pursigido ang mga pari na magsipag-armas bunga ng sunud-sunod na pagpatay sa tatlo nilang kasamahan.

Pinakahuli sa mga pi­naslang ay si Fr. Richmond Nilo noong Hunyo 10 ng gabi bago ito magmisa sa isang simbahan sa Zaragosa, Nueva Ecija. Si Nilo ang ikatlong pari na pinaslang sa loob ng anim na buwan ng riding-in-tandem.  

Magugunita na si Fr. Marcelino Paez, kura paroko sa Jaen, Nueva Ecija ay pinagbabaril at napatay noong Disyembre 4, 2017.

Si Fr. Mark Ventura ay napatay naman matapos na magdaos ng misa sa Gattaran, Cagayan noong Abril 29, 2018.

Ang isa pa na si Fr. Rey Urmeneta ng St. Michael de Archangel Parish ay sugatan naman sa ambush sa Calamba City, Laguna noong unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

Sinabi naman ni Al­bayalde na dadaan muna sa masusing pro­seso ng PNP-FEO bago ma­aprubahan ang kahilingan ng mga pari, ministro, pastor at mga preacher bago ang mga ito makapagbitbit ng mga armas.

“We are also amenable to taking the extra step of providing firearms proficiency and marksmanship training to religious leaders who wish to own and possess firearms,” ang sabi pa ng PNP chief.  

OSCAR ALBAYALDE

PARI

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with