MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy pa rin ang anti-drug war operations at hindi ito maaapektuhan ng ‘Oplan Rody’ o ang panghuhuli ng tambay lalo na kapag dis-oras ng gabi partikular na sa Metro Manila .
Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde.
Binigyang diin ni Albayalde na hindi nila pababayaan ang giyera kontra droga kahit na nakatutok ang kapulisan ngayon sa panghuhuli ng mga tambay.
Sinabi ni Albayalde na ibang mga pulis naman mula sa mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ang nagsasagawa ng operasyon laban sa mga high value target at street level drug pushing .
“Hindi siguro kasi remember yung mga tao natin na involved sa waron drugs are all vetted, they are not engaged in other law enforcement except for violation of 9165”, anang PNP Chief.
Samantalang ang mga nagsasagawa ng pagpapatrolya ang naninita at nanghuhuli ng mga tambay o mga pasaway sa kalye lalo na kapag gabi.
Ayon kay Albayalde, hindi maaring pabayaan ang giyera kontra droga dahil malaki pa rin ang problema sa droga ng bansa .