75-taong gaming franchise, itinanggi ng APECO

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) na nagbigay sila ng 75 taong gaming franchise.

Ayon kay Israel F. Maducdoc, pangulo ng APECO na fake news ang mga alegasyon na nagbigay ang kanilang ahensiya ng 75-taon na gaming franchise sa isa sa free port locators.

Iginiit din ni Maducdoc ang mga ulat sa ilang pahayagan na sinasabi ng isang partylist congressman na siya ay nasa Talisay, Negros Occidental at Cebu noong nakaraang linggo.

Iginiit din niya na naglilingkod siya sa “pleasure” ng chief executive at susundin niya ang direktiba nito bilang pagpapakita ng APECO ng suporta sa administrasyon.

Show comments