MANILA, Philippines — Walang makukuhang suporta sa minorya sa Kamara ang impeachment complaint na ihahain ng Magnificent 7 laban sa walong Mahistrado ng Korte Suprema na pumabor sa quo warranto laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay ABS Rep. Michael Eugene de Vera, dapat irekonsidera ng Magnifient 7 ang nasabing plano at dapat respetuhin na lamang ang desisyong nagpatalsik kay Sereno.
Sinabi pa ni De Vera na wala rin mararating ang ikakasang reklamo sa walong mahistrado dahil ginawa lamang ng mga ito ang kanilang trabaho nang desisyunan ang Quo warranto petition matapos itong ihain ng Solicitor General.
Para naman kay Minority leader Danilo Suarez, kung ipilit pa na iakyat sa Senado ang articles of impeachment laban kay Sereno ay malamang hindi na ito matapos ng kasalukuyang kongreso dahil sa haba ng proseso nito.