^

Bansa

Cesar Montano nagbitiw

Doris Franche, Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Cesar Montano nagbitiw
Iniwan na ng actor ang kanyang posisyon sa Department of Tourism matapos ngang magkaroon ng isyu ang kanyang mga proyekto partikular na ang Buhay Carinderia na ginastusan umano ng P80 million. Hindi raw ito dumaan sa tamang bidding.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nagbitiw na ang actor na si Cesar Montano kahapon bilang Chief Opera­ting Officer ng Tourism Promotions Board (TPB).

Iniwan na ng actor ang kanyang posisyon sa Department of Tourism matapos ngang magkaroon ng isyu ang kanyang mga proyekto partikular na ang Buhay Carinderia na ginastusan umano ng P80 million. Hindi raw ito dumaan sa tamang bidding.

Nauna nang sinabi ni bagong upong DoT Secretary Berna Romulo Puyat na lilinisin niya ang nasabing ahensiya ng gobyerno na kinakapitan ng iba’t-ibang klase ng anomalya.

Diumano ay nagpaliwanag ang actor kay Presidente Duterte last week tungkol sa sinasabing maanomalyang proyekto na Buhay Carinderia kung saan tinuturo niya si dating DoT Secretary Wanda Teo pero hindi na raw nakumbinse ang Presidente. Sinabihan pa rin ito na mag-resign.

Huling nagpulong noong Biyernes sina Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Montano tungkol sa isyu sa ilang mga programa nito.

Dalawang beses nang nagpulong sina Romulo-Puyat at Montano mula nang lumabas ang ulat kaugnay sa P80 milyon na paunang bayad ng TPB para sa proyektong “Buhay Carinderia.”

Kamakailan lang ay natuklasan ni Romulo-Puyat na hindi dumaan sa bidding ang proyekto kaya agaran niya itong ipinatigil upang maim­bestigahan ng Commission on Audit (COA).

Ayon naman sa isang anti-corruption group, hindi sapat ang pagbibitiw ni Montano at baka kailangan pa itong ireklamo dahil sa isyu.

BERNA ROMULO PUYAT

BUHAY CARINDERIA

CESAR MONTANO K

TOURISM PROMOTIONS BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with