MANILA, Philippines — Tinanggihan ni Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro ang nominasyon para sa mababakanteng pwesto ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo.
Hindi tinanggap ni de Castro ang rekomendasyon sa kaniya ni retired Associate Justice Arturo Brion.
“Although I am deeply moved by, and sincerely thankful for, Justice Brion’s kind endorsement, I regret that I must decline his recommendation as I wish to continue serving the Supreme Court until I reach the compulsory retirement age,” nakasaad sa liham ni De Castro sa Judicial and Bar Council (JBC).
BASAHIN: De Castro sa Ombudsman?
Nakatakdang magretiro ang hukom sa Korte Suprema sa Oktubre.
Bukod kay de Castro, hindi rin naman tinanggap nina House majority leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas at Solicitor General Jose Calida ang mga nominasyon para sa kanila.
Dahil dito ay pitong katao ang pagpipilian ng JBC at ito ay sina:
- Associate Justice Presbitero Velasco Jr.
- Labor Secretary Silvestre Bello III
- Special Prosecutor at dating Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval
- Davao City regional trial court judge Carlos Espero II
- Davao City regional trial court judge Rowen Apao-Adlawan
- Edna Batacan
- Rex Rico
Abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Batacan, habang kaklase naman niya sa law school si Rico.
Umupo noong 2011 si Morales sa Ombudsman matapos siyang italaga ni dating Pangulo Benigno Aquino III.
Pinalitan ni Moraels ang nagbitiw na si Merceditas Gutierez upang iwasana ng impeachment trial sa Senado.