^

Bansa

OFW memo lalagdaan ng Pinas at Kuwait ngayon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
OFW memo lalagdaan ng Pinas at Kuwait ngayon
Sinabi pa ni Roque na pinalaya na rin ng Kuwait government ang apat na Filipino drivers na ikinulong kaugnay ng rescue mission ng Philippine embassy sa mga distressed OFW.
File Photo

MANILA, Philippines — Nakatakda nang lagdaan ang isang Memorandum of Agreement ng Pilipinas at Kuwait nga­yong May 11 upang bigyan ng proteksyon ang mga Overseas Filipino Worker na nasa gulf state, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi pa ni Roque na pinalaya na rin ng Kuwait government ang apat na Filipino drivers na ikinulong kaugnay ng rescue mission ng Philippine embassy sa mga distressed OFW.

Wika pa ni Roque, ‘Ito ay resulta ng pagpupulong kamakalawa ng Kuwaiti Interior Ministry officials at opisyal ng gobyerno sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre Bello III, former Labor Secretary Marianito Roque, Labor attaché Rustico dela Fuente at Deputy chief of mission sa Kuwait na si Mohd Noordin Lomondot.

Idinagdag pa ni Roque, pumayag ang Kuwait go­vernment na bumuo ng special police unit na siyang magiging katuwang ng Philippine embassy sa mga matatanggap nitong reklamo ng mga OFWs.

KUWAIT OFWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with