MANILA, Philippines — Walang nakikitang dahilan ang Malacañang para magbitiw sa puwesto si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa gitna ng panawagan na mag-resign na siya dahil sa isyu sa Kuwait.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa tingin niya ay buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte kay Cayetano.
Kung mayroon mang ilang indibidwal na naghahangad na umalis sa puwesto si Cayetano ay ang kalihim na ang siyang sasagot nito ngunit sa panig ng Malacañang ay buo ang suporta nito sa kalihim at sa paraan ng kanyang pamamalakad.
“That call is addressed to Secretary Cayetano. He should address it. As far as the Palace is concerned, there is no reason for him to resign,” pahayag ni Roque.
Sinabi rin ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na hindi dapat magbitiw si Cayetano dahil ang pagbaba ng kalihim sa pwesto ay magbibigay ng maling signal na mahina ang bansa pagdating sa pagresolba sa mga diplomatic issues.
Ayon kay Recto, batid naman ng lahat na may problema ang mga OFW sa Kuwait, sa paraan ng pagtrato sa kanila, kaya naman tama lamang ang ginawa ni Cayetano na nagkaroon ng aggressive approach.
“The controversies surrounding the DFA and the Philippine Embassy in Kuwait are not enough reasons to call for Cayetano’s resignation, it contradicts the country’s position of being more assertive in helping OFWs”, pahayag ni Recto.
Ipinagtanggol pa ni Recto si Cayetano sa pagsasabing sa kanyang ginawang aksyon ay mayroong dalawang Pinay na nasasadlak sa pang-aabuso ang nasagip.
“Why should Alan resign? His men rescued two Filipinas in distress. He didn’t bomb a country, nor did he invade another. Yes, it was improper to officially upload the video, but it is equally wrong to equate it as a major diplomatic faux pas that would warrant his resignation,” dagdag pa nito.
Maging ang istratehiya ni Cayetano pagdating sa pagresolba sa problema ng mga inaabusong OFW ay pinapurihan ni Recto, aniya, tama lamang ito.
“Aggressive defense of our abused countrymen is no vice; it is a virtue. When thousands of our OFWS await repatriation, when thousands of them have sought sanctuaries from abuse, when almost 5,000 of them are behind bars or facing charges, some audacity in representing them is needed,” dagdag pa nito.
Una nang lumabas ang balitang may career diplomats ang humiling kay Pangulong Duterte na alisin na sa DFA si Cayetano dahil sa maling pag-handle sa issue sa Kuwait ngunit ang nasabing report ay itinanggi mismo ng DFA at ng Malacañang.
Anila, wala silang natatanggap na anumang letter na mula sa diplomatic corps na humihiling na bumaba na sa pwesto ang kalihim.