^

Bansa

Labor groups dismayado

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Labor groups dismayado
Nagmartsa sa kahabaan ng España sa Maynila patu­ngong Mendiola ang iba’t ibang labor groups kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dismayado ang ilang militanteng grupo ng mga manggagawa sa paglagda ni Pangulong Duterte ng Executive Order (EO) na tumatapos sa contractualization o end of contract (endo).

Sa ika-116 taon ng Labor Day kahapon, sinabi ng mga militant group na hindi nila maipaliwanag ang tunay na aksyon ng Pangulo sa isyu ng endo.

Ayon kay Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairman Elmer Labog, hindi raw kinonsulta ang kanilang grupo sa pagbalangkas sa pinirmahang EO, kung kayat hindi kampante ang mga manggagawa sa tunay na layunin ng paglagda.

Nababahala rin aniya sila sa utos  ni Duterte sa Kongreso sa pag-am­yenda ng probisyon ng Labor Code dahil maaari lang daw itong lumihis sa interes ng mga manggagawa.

Dahil dito, bagamat handa ang militante na makita ang nilalaman ng kautusan, makakaasa raw ang administrasyon ng mas mabibigat na pagkilos mula sa kanilang hanay kapag natukoy na hindi kinonsidera ang mga manggagawa sa pinirmahang EO.

Tinatayang nasa 50,000 miyembro ng ibat ibang militanteng grupo ang nagtipon sa Mendiola kahapon habang may nag-rali rin sa iba pang bahagi ng Metro Manila.

Bukod sa issue ng EO kontra endo, sigaw din ng militant groups ang pagtaas ng minimum wage at pagpapalakas sa batas sa karapatan ng manggagawa.

END OF CONTRACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with