Tulong ng stakeholders ng Boracay, hingi ng DENR
MANILA, Philippines — Hiniling ni DENR Secretary Roy A. Cimatu sa lahat ng stakeholders ng Boracay na tumulong at makiisa sa ahensiya na mapanumbalik ang ganda ng isla.
Ayon kay Cimatu, malaking tulong ang magagawa ng mga stakeholders na mapabilis ang rehabilitasyon sa isla.
“For that to happen we will need ‘all hands on deck’ - government employees, business owners, workers, residents, and of course, the tourists - local and foreign, who have made Boracay a byword in the tourism world.”pahayag ni Cimatu na siyang chairman ng inter-agency Task Force Boracay.
Sinabi ni Cimatu na ang rehabilitation efforts ng DENR sa Boracay sa loob ng anim na buwang pagkakasara sa isla ay nakasentro sa drainage at sewerage rehabilitation; solid waste management; forestlands at easement recovery, alienable at disposable land management; road at transport kasama na ang air quality management, biodiversity conservation, wetlands rehabilitation, at geological hazard management.
“We intend to review the road and transport network, including the use of the jetty ports, motor vehicles and other means of transport to make these conform to the most desirable means to transport people and goods within a small 1,078-hectare island,” dagdag ni Cimatu.
Bubusiin din ng DENR Boracay Master Plan para makagawa ng mas kumprehensibong Northern Aklan Master Plan na higit na magpapausbong ng turismo sa Boracay at mga kalapit lugar tulad sa Malay, Caticlan, Carabao Island, at sa buong lalawigan ng Aklan.
Noong April 26 pormal na naipasara ang Boracay Island para sa mga turista upang malinis ang napabayaang katubigan at kapaligiran ng isla.
- Latest