MANILA, Philippines — Maaari nang muling magpakasal sa Pilipinas ang mga Filipino na nakipag-divorce sa ibang bansa.
Ito ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema matapos ang botong 10-3.
“Where a marriage between a Filipino citizen and a foreigner is validly celebrated and a divorce is there after validly obtained abroad by the alien spouse capacitating him or her to remarry, the Filipino spouse shall likewise have the capacity to remarry under Philippine law,” nakasaad sa desisyon.
Ayon kay Supreme Court spokesperson Theodore Te ang mga mahistrado na pumirma sa dissenting opinion ay sina Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, at Alfredo Benjamin Caguioa habang si Associate Justice Francis Jardeleza ay tumangging magbigay ng boto samantalang naka-leave naman si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Tanging ang Pilipnas at ang Vatican na lamang ang bansang hindi pabor sa divorce bagama’t legal ang annulment na tumatagal naman ng ilang taon.