LTFRB kinalampag sa Grab student discount

MANILA, Philippines — Kinalampag kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 20 porsiyentong discount na dapat ibigay ng Grab sa mga estudyante.

Ayon kay Gatchalian, binabaha ang social media ng reklamo mula sa mga estudyanteng hindi pa napo-proseso ang aplikasyon para sa 20% discount.

“Social media is full of complaints from students whose applications for the 20% discount on GRAB still remain unprocessed,” sabi ni Gatchalian.

Karamihan sa mga nagrereklamong estudyante ayon kay Gatchalian ay nabibigyan na ng discount ng Uber bago sila magsara.

Ang isyu umano ngayon hinggil sa discount ay isang halimbawa  ng problema kapag nagkakaroon ng monopol­yo sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) sector.

Naniniwala si Gatchalian na ang access sa murang transportasyon ay bahagi ng karapatan ng mga estud­yante na makapag-aral at makatungo sa eskuwelahan.

“Therefore I am urging the LTFRB to look into the issue and ensure that GRAB takes immediate action on these applications,” sabi ni Gatchalian.

Show comments