MANILA, Philippines — Binanatan ng Partido Liberal (LP) stalwarts ang gobyerno sa kawalan umano nito ng aksyon sa territorial claims ng bansa sa West Philippine Sea sa gitna ng mga ulat na dalawang eroplano ng China ang nag-landed sa reef.
“We demand transparency in the administration’s dealings with China. What elsae is the Philippines giving up to this new friendship?” ani Sen. Bam Aquino.
“Hindi ba dapat ipaglaban ang ating teritoryo, lalo na para sa mga mangingisda natin? Sinayang lang ng administrasyon ang panalo natin sa Permanent Court of Arbitration (PCA),” dagdag ni Aquino, patungkol sa desisyon ng PCA na pag-aari ng Pilipinas ang pinag-aagawang teritoryo.
Wika pa nito, kung determinado ang gobyerno at tapat sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa, kailangang igiit nito ang ating tagumpay sa PCA.
Ayon naman kay Sen. Francis Pangilinan, Partido Liberal president, hindi katanggap-tanggap ang ikinikilos at “obliging attitude” ng gobyerno ng Pilipinas sa China sa kabila ng lumalaking militarisasyon ng West Philippine Sea.
“Nagiging barangay na ba ng China ang Pilipinas?” wika nito.
Sa panig naman ni dating lawmaker Erin Tañada, Partido Liberal’s vice president for external affairs, sinabi nitong kung hindi matutupad ni Duterte ang kanyang campaign promise na sasakay sa jet ski at magtutulos ng bandila ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo, kailangan man lang ilaban nito ang desisyon ng PCA.