Digong pinahihingi ng sorry sa Australian missionary
MANILA, Philippines — Hinamon ng Makabayan bloc si Pangulong Duterte na humingi ng sorry sa Australyanang madre na si Sister Patricia Fox na inaresto at ipiniit ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Act Teachers Rep. Antonio Tinio na hindi lang dapat mag-sorry ang Pangulo kay Sister Pat kundi dapat pang magpasalamat dahil sa laki ng naitulong niya sa mga Pinoy kasama na pati ang mga taga-Davao.
Sinabi naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na maaaring nabigyan ng maling impormasyon ang Pangulo tungkol sa aktibidad ni Sister Pat sa bansa.
Kung alam lamang umano ng administrasyon kung ano ang ginagawa dito ng Australyanang madre ay baka mahiya pa rito ang Malacañang.
Giit ng kongresista, 27 taon umano ang nakakaraan ng isakripisyo ng madre ang komportableng buhay sa Australia para tumulong sa mga Aeta sa Central Luzon.
Sa loob ng mahabang panahong ito ay hindi umano ito nagsalita sa alinmang rally at hindi siya naglabas ng anti-government na sentimyento.
- Latest