Sa Valenzuela
MANILA, Philippines — Tatlo pang barangay sa lungsod ng Valenzuela ang idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency at Department of the Interior and Local Government na ‘drug cleared’ makaraang pumasa sa pamantayan ng Dangerous Drugs Board.
Tinukoy ni Mayor Rex Gatchalian ang mga bagong barangay na ‘drug cleared’ ang Lawang Bato, Mapulang Lupa at Paso de Blas.
Base sa Section 3 ng DDB Regulation No. 2, series of 2007, nakapasa ang tatlong barangay sa mga pamantayan kabilang ang kawalan ng ‘drug supply, transshipment activities, drug laboratory at warehouse, chemical warehouse, marijuana cultivation site, drug den, drug pusher, protector, coddler at financier, at mga user.
Umakyat na sa anim ang barangay na ‘drug cleared’ sa lungsod kasama ang mga barangay Wawang Pulo, Tagalag, at Coloong noong Hunyo 2017.
Dahil dito, makakatanggap ang tatlong barangay ng P4 milyong halaga ng proyekto sa imprastruktura mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at sa tangapan ni 1st District Rep. Wes Gatchalian. Binigyan rin ng pabuya ni Gatchalian ang 11 opisyal ng pulisya at mga barangay workers na nagtulung-tulong na makamit ang parangal.